Cebu Batch-free Advantage

Simula April 8, 2024 mawawala na ang batch system sa area ng Cebu.

Sa pagtanggal ng Batch system, may Daily Challenge na magbibigay ng mas malaking kita sayo araw-araw!

 

 

Ang karagdagang kita up to 120 pesos ay magba-base sa iyong Acceptance Rate at bilang ng mga deliveries na iyong nagawa.

Mas maraming deliver, mas malaki talaga ang kita.

FAQ

Ang bagong schedule sa pagpili ng time slot ay tuwing Wednesday 3:30PM para sa Cebu.

*Paalala na kumuha lamang ng time slot sa siguradong papasukan na oras at araw dahil maapektuhan nito ang personalized quest na iyong makukuha kung mayroon kang no-show.

Oo. Ang batch incentives ay tatanggalin na dahil tatanggalin na rin ang scoring system.

Ngunit ‘wag mag-alala dahil sa bagong sistema na ito, pare-parehas ang oportunidad na makakuha ng time slots at basta maraming magawa ng deliveries, mas mataas ang kita na maiuuwi.

Sa bagong Rider Daily Delivery Quest, laging may quest na kukumpletuhin araw-araw

 

Complete 15 orders

Motor = Additional 120 pesos with 90% Acceptance Rate

Non-Motor = Additional 100 pesos with 90% Acceptance Rate

Sa pagtanggal ng batching system, lahat ng active delivery partners ay pantay at may pagkakataong makapili ng kanilang time slot at kumita ng mas malaking incentives.

Siguraduhin lamang na kumuha ng timeslot na kayang pasukan at magpursige na maraming deliveries ang magawa habang hindi hinahayaang bumaba ang iyong Acceptance Rate. Mas maraming deliveries, mas malaki ang maiuuwi na kita!

Ang performance quest na makukuha sa bagong sistema ay iba o hiwalay pa sa mga Special Quests na nilalabas. Pwedeng makakuha ng mataas na incentives sa pamamagitan ng pag-deliver ng marami at pwede rin makakuha pa ng extra incentives sa pagsali sa iba pang Quests.